‘Maring’ tinatayang magla-landfall sa Quezon-Aurora area ngayong hapon
Patuloy na kumikilos ang bagyong ‘Maring’ palapit sa lalawigan ng Aurora-Quezon area.
Sa 2:00 Am update ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 85 kilometro sa north-northeast ng Daet, Camarines Norte.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 40 kilometro bawat oras at pagbugsong nasa 60 kph.
Tinataya ng Pagasa na tatama ito sa lupa sa pagitan ng Aurora at Quezon Martes ng hapon.
Magdudulot ang bagyong ‘Maring ng occasional heavy rains sa Bicol region, Calabarzon, Mimaropa, Metro Manila, Central Luzon at Pangasinan.
Inaasahang tatawirin nito ang gitnang bahagi ng Luzon bago lumabas ng PAR sa Huwebes.
Nakataas pa rin ang tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa mga lalawigan ng :
-Metro Manila
-Catanduanes
-Camarines Norte
-Camarines Sur
-Northern Quezon kasama na ang Polillo Island
-Rizal
-Bulacan
-Pampanga
-Quirino
-Nueva Ecija
-Tarlac
-Zambales
-Bataan
-Pangasinan
-Aurora
Samantala, dahil sa malayo sa lupa, wala namang epekto ang bagyong Lannie sa bansa./Jay Dones
Excerpt: Inaasahang tatama ang bagyo sa Quezon-Aurora area Martes ng hapon, ayon sa Pagasa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.