PAO at pamilya ni Carl Angelo Arnaiz, duda sa testimonya ng taxi driver
Hindi naniniwala ang mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz na magagawa nitong mang-holdap ng taxi driver tulad ng isiniwalat at kinumpirma ni Tomas Bagcal nang bigla itong humarap sa media noong Linggo.
Ayon sa mga magulang ni Arnaiz, wala sa pagkatao ng kanilang anak na magagawa ang ganitong klase ng krimen.
Hindi rin anila pala-labas ng bahay si Arnaiz, at kakaunti lang ang mga kaibigan nito.
Maging si Public Affairs Office (PAO) chief Atty. Persida Acosta ay hindi rin naniniwala sa sinasabi ni Bagcal.
Giit ni Acosta, may sariling tindahan si Arnaiz na pinagkakakitaan nito, at kapapadala lamang ng kaniyang ina ng P17,000 mula sa United Arab Emirates kung saan ito nagtatrabaho.
Una nang sinabi ni Bagcal na kumpirmadong si Arnaiz nga ang nang-holdap sa kaniya, na buhay pa nang dalhin niya sa presinto matapos gulpihin ng mga taong nakasaksi sa krimen.
Para kay Bagcal, mistulang scripted din ang pagpatay kay Arnaiz base sa kaniyang mga nasaksihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.