Ayon kay Chief Inspector Lorna Santos, ang Chief ng PNP Crime Laboratory DNA Analysis Branch, credible ang kanilang resulta sa DNA test.
Pero bilang isang propesyunal na institutsyon, sinabi ni Santos na binabalewala na lamang nila ito lalo’t nagiging paboritong batikusin ngayon ang mga pulis.
Pagmamalaki ni Santos, mga bagong kagamitan na aniya ang ginagamit ngayon ng PNP Crime Lab at nakasasabay naman ito sa international standards.
September 7 aniya nang kunan ng sample ang bangkay habang September 8 kinunan ng DNA sample ang mag-asawang Eduardo at Lina.
Kahapon, inilabas ng PNP Crime Laboratory ang resulta ng DNA comparison.
Sinabi pa ni Santos na ang Nueva Ecija PNP ang humiling na isailalim sa DNA test ang nakuhang bangkay sa Nueva Ecija.
Aabot aniya sa 60,000 pesos ang bayad sa DNA test pero sa pagkakataong ito ay libre na.