PNP Crime Lab, apektado na sa mga nagdududa sa resulta ng DNA test ng napagkamalang si ‘Kulot’ de Guzman

By Chona Yu September 12, 2017 - 03:55 AM

 

Nasasaktan na ang Philippine National Police Crime Laboratory sa mga nagdududa sa inilabas nilang resulta ng DNA test sa pagitan ng mag-asawang Eduardo Gabriel at Lina de Guzman at bangkay na natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija na inangkin ng mag-asawa bilang kanilang nawawalang anak na si Reynaldo alyas ‘Kulot De Guzman.

Ayon kay Chief Inspector Lorna Santos, ang Chief ng PNP Crime Laboratory DNA Analysis Branch, credible ang kanilang resulta sa DNA test.

Pero bilang isang propesyunal na institutsyon, sinabi ni Santos na binabalewala na lamang nila ito lalo’t nagiging paboritong batikusin ngayon ang mga pulis.

Pagmamalaki ni Santos, mga bagong kagamitan na aniya ang ginagamit ngayon ng PNP Crime Lab at nakasasabay naman ito sa international standards.

September 7 aniya nang kunan ng sample ang bangkay habang September 8 kinunan ng DNA sample ang mag-asawang Eduardo at Lina.

Kahapon, inilabas ng PNP Crime Laboratory ang resulta ng DNA comparison.

Sinabi pa ni Santos na ang Nueva Ecija PNP ang humiling na isailalim sa DNA test ang nakuhang bangkay sa Nueva Ecija.

Aabot aniya sa 60,000 pesos ang bayad sa DNA test pero sa pagkakataong ito ay libre na.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.