Signal number 1, nakataas sa 15 lalawigan dahil sa bagyong Maring
Labing-apat na lalawigan na ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 dahil sa bagyong Maring.
Ayon sa 11: 00 PM update ni Samuel Duran ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyong Maring sa layong 190 kilometro sa silangang bahagi ng Infanta, Quezon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 60 kilometro bawat oras.
Tinatahak ng bagyong Maring ang direksyong west-northwest.
Sa pagtaya ng Pagasa, malaki ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Quezon-Aurora area Martes ng hapon.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa mga lalawigan ng :
-Metro Manila
-Catanduanes
-Camarines Norte
-Camarines Sur
-Northern Quezon kasama na ang Polilio island
-Rizal
-Bulacan
-Aurora
-Pampanga
-Quirino
Nueva Ecija
-Tarlac
-Pangasinan
-Zambales
-Bataan
Ang mga naturang lalawigan ay inaasahang makakaranas ng pag-ulan at pagbugso ng hangin hanggang sa Miyerkules.
Samantala, namataan naman ang isa pang bagyong ‘Lannie’ sa layong 1,255 kilometro sa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 120 kph at pagbugsong nasa 145 kph at tinatahak ang west-northwest direction.
Gayunman, masyadong malayo ang bagyo upang makapaaekto sa alinmang bahagi ng bansa, ayon kay Duran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.