Ilang mga lalawigan at lugar sa NCR walang pasok bukas

By Justinne Punsalang, Rod Lagusad September 11, 2017 - 08:18 PM

Inquirer photo

(Update) Walang pasok bukas, September 12, sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa Rizal Provincial Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, para sa lahat ng antas, private at public, ay kanselado ang pasok sa buong probinsiya ng Rizal.

Samantala, inihayag naman ng Laguna Provincial Risk Reduction and Management Council na kanselado na rin ang pasok sa lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan base sa kautusan ng Office of the Governor.

Makalipas ang ilang minuto ay nagdeklara na rin ng kanselasyon sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Batangas ang Provincial Risk Reduction and Management Council.

Nag-anunsiyo na rin ang Quezon Public Information Office na walang pasok bukas sa lahat antas, public at private sa buong lalawigan.

Suspendido na rin ang klase sa lahat ng mga antas sa Marikina City, Muntinlupa City, Las Pinas City, Quezon City, Paranaque City, Caloocan City, Mandaluyong City, Maynila, Taguig City, Navotas City, Malabon City, Valenzuela City, Pasay City, San Juan City at Pasig City.

Wala na ring pasok sa lahat ng antas, public at private sa Tagaytay City, Cavite.

Ito ay dahil sa patuloy na nararanasang masamang lagay ng panahon, dala na rin nina Bagyong Lannie at Bagyong Maring.

Nauna nang sinabi ng Pagasa na magdudulot ng malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ang mga bagyong Lannie at Maring na magkasunod na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bagyo, Batangas, laguna, lannie, maring, Metro Manila, Rizal, walang pasok, Bagyo, Batangas, laguna, lannie, maring, Metro Manila, Rizal, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.