U.S President Trump, idineklarang major disaster area ang Florida state

AP

Idineklara ni US President Donald Trump na major disaster area na ang state of Florida.

Ito ay matapos humagupit si Hurricane Irma sa naturang lugar.

Dahil dito ay maaari nang makapagbigay ng federal aid ang pamahalaan para sa mga apektadong pamilya sa Florida.

Sa pamamagitan ng naturang federal aid ay maaaring makakuha ang mga apektado ni Hurricane Irma ng temporary housing at home repairs, low-cost loans para sa mga uninsured na ari-arian, at iba pang mga programa na makakatulong sa mga indibidwal, maging mga negosyante.

Maaari ring makakuha ng federal funding ang mga ahensya pamahalaan sa Florida, at mga non-profit organization para sa mga emergency cases. Samantala, dalawamput apat na katao na ang naitalang namatay dahil sa paghagupit ni Hurricane Irma sa mga isla ng Caribbean.

 

Read more...