Liderato ng Kamara interesado sa imbestigasyon sa EJKs
Inihayag ngayon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pabor siya na magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara kaugnay sa mga nagaganap na extra judicial killings sa bansa.
Sinabi ni Alvarez na kailangang mag-imbestiga ang Kamara upang mabatid kung sino ang mga nasa likod ng mga pagpatay lalo na sa mga menor de edad na posible umanong bahagi ng pananabotahe sa administrasyong Duterte.
Posible ayon sa pinuno ng Kamara na mga drug lords o kaya naman ay mga pulitiko na may galit sa kasalukuyang administrasyon ng nasa likod ng mga patayan.
Ito anya ay upang sulsulan ang galit ng sambayanan sa drug war ng pangulo.
Bago ang pahayag ni Alvarez, ilang panukala na ang inihain ng Makabayan bloc sa Kamara upang maimbestigahan ang mga patayan dulot ng kampanya sa droga ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.