Trillanes naglabas ng bank waiver para sa AMLC at Ombudsman

By Ruel Perez September 11, 2017 - 03:39 PM

Photo: Ruel Perez

Pumirma na ng bank waiver si Sen. Antonio Trillanes pabor sa Anti-money Laundering Council (AMLC) at sa Ombudsman upang bigyan ang mga ito ng otorisasyon para busisiin ang umano’y mga bank accounts ng mambabatas.

Sinabi rin ni Trillanes na wala siyang mga offshore bank accounts katulad ng mga naging alegasyon nina brodkaster Erwin Tulfo, Asec. Mocha Uson at isang ulat mula sa isang CNN Philippine correspondent.

Sina Tulfo, Uson at umano’y CNN Philippine correspondent ang naglabas ng mga dokumento ng sinasabing bank accounts sa abroad ng senador na ayon kay Trillanes ang iba ay mga non-existent na mga bangko at mga non-existent bank accounts.

Noong Sabado ay sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga ilalabas rin siyang patunay na may itinatagong bank accounts sa Hong Kong, Australia at pati na rin sa U.S si Trillanes.

Ilalabas umano ng pangulo ang detalye sa nasabing mga deposito sa bangko sa susunod na mga araw.

Muli namang hinamon ni Trillanes ang pangulo at ang pamilya nito na gumawa rin ng waiver para patunayang wala silang mga itinatagong bank accounts.

TAGS: AMLC, bank waiver, duterte, ombudsman, trillanes, AMLC, bank waiver, duterte, ombudsman, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.