Sa botong 212 na Yes at 10 No, lumusot sa Kamara ang pagpapaliban ng eleksyon sa Oktubre ng kasalukuyang taon.
Nakasaad sa panukala na muling itatakda ang ang paghahalal ng mga bagong opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa ikalawang Lunes ng Mayo ng susunod na taon.
Sa bersyon ng Kamara isasabay ang eleksyon sa gagawing plebesito para sa Charter Change at Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay Cibac Partylist Sherwin Tugna at siyang tumatayong Chairperson ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform ay hinintayin lamang nila ang bersyon ng Senado bago nila dalhin ang panukala sa Bicam.
Mananatili naman sa kanilang puwesto ang mga kasalukuyang Barangay at SK officials hanggang sa mailuklok sa Mayo ng susunod na taon ang mga bagong opisyal.