Faeldon mas piniling makulong kesa magsalita sa imbestigasyon ng Senado

By Ruel Perez September 11, 2017 - 03:14 PM

Inquirer photo

Nabigo si Sen. Richard Gordon na kumbinsihin si resigned Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na dumalo sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa  iniimbestigahang tara system at P6.4 Billion na halaga ng shabu sa ahensiya.

Lampas 25 minuto rin na kinausap ni Sen. Gordon si Faeldon na dumiretso sa Office of the Senate Sgt-at-Arms nang dumating sa Senado galing sa kanyang tahanan sa Taytay, Rizal.

Ayon kay Gordon, handa umano si Faeldon na manatili sa OSAA at makulong sa Senado.

Iginiit umano ni Faeldon na sa korte na lamang niya sasagutin ang lahat ng mga katanungan kaugnay sa tara system at sa nakapuslit na ilegal na droga sa sa kanyang dating tanggapan.

Samantala, ayon Gordon ay mananatiling nakapiit si Faeldon sa Senado hanggang sa makapagdesisyon itong magsalita o hanggang sa magdesisyon ang liderato ng Senado na palayain siya matapos na ideklara in contempt noong nakalipas na hearing.

Pansamantala namang sinuspinde ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee ngayong araw at itutuloy na lamang ulit sa Setyembre 19 araw ng Martes.

TAGS: blue ribbon committee, customs, Faeldon, Gordon, blue ribbon committee, customs, Faeldon, Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.