Mga delegado ng Apec, nag-‘room sharing’ para makatipid

By Kathleen Betina Aenlle September 07, 2015 - 04:28 AM

APEC2015_iconNakahanap ng paraan ang mga delegado ng Asia-Pacific Economic Cooperation para makatipid sa mga mahal na presyo ng mga hotel sa Cebu.

Ayon kay Foreign Undersecretary Laura del Rosario, dalawahan o tatluhang nag-hati sa mga kwarto ang ilang mga delegado ng Apec para makayanan ang mga nagtaasang room rates sa mga hotel na pinaggaganapan ng kanilang mga pulong.

Gayunpaman, ani Del Rosario, may mga ilang hotels din naman sa Cebu na nag-alok ng mas mababang presyo sa mga bisita, kaya ngayon ay kahit paano mayroon na silang pagpipilian.

Nauna nang inihayag ni Del Rosario na may mga natanggap silang reklamo mula sa mga delegado na nagtaas ng halos 120% kumpara sa mga published rates ang bayad sa mga hotel na pinaggaganapan ng kanilang mga pulong.

Ang mga nasabing hotel ay ang Radisson Blu Hotel , Marco Polo Plaza Cebu at Cebu City Marriott Hotel.

Mula sa P5,800 kada gabi na presyo ng kanilang mga kwarto, itinaas ito ng Radisson Blu Hotel at ginawang P13,350.

Sa Marco Polo Plaza Cebu naman na may deluxe accomodation na dating P4,530 lang kada gabi, naging P11,000 na tuwing may Apec meeting na ginaganap doon.

Samantala ang dating P5,000 naman sa Cebu City Marriott Hotel ay halos triple ang itinaas sa presyong P13,800.

Nang tanungin naman siya kung irerekomenda niya ba ang Cebu para ganapan ng mga susunod pang conferences, sinabi niya na irerekomenda niya ang lahat ng mga lungsod at kabilang ang Cebu doon.

Tinitingnan ang Apec meetings sa Cebu bilang isang malaking oportunidad na mas mapaganda ang turismo sa nasabing lungsod, dahil ang higit 80 na pagpupulong na gaganapin dito ay magdadala ng nasa 6,000 na delegado kasama na ang kanilang mga staff at kapamilya.

TAGS: apec summit 2015, apec summit 2015

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.