May kaugnayan ang reklamo sa naging demeanor ni Trillanes sa pagdinig ng senate blue ribbon committee.
Sa nasabing pagdinig, tinawag na komite-de-abswelto ni Trillanes ang blue ribbon committeedahil sa umano’y pagtanggi nito na ipatawag sa hearing si presidential son, Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Sa ginawang kauna-unahang pagdinig ng komite na pinangungunahan ni Senator Tito Sotto, nakitaan ng sapat na basehan ang reklamo kung kaya, pinagsusumite na si Trillanes ng kanyang counter-affidavit sa loob ng 10 araw.
Sa pagtantya ni Sotto, maaring madesisyunan ang nabanggit na ethics complaint sa loob ng dalawang buwan.