Natagpuang bangkay sa Gapan, Nueva Ecija, hindi si Reynaldo De Guzman alyas Kulot ayon sa PNP

By Chona Yu September 11, 2017 - 12:49 PM

Kuha ni Jan Escosio

Maling bangkay ang pinaglalamayan ngayon sa Cainta Rizal ng mga pamilya ni Reynaldo De Guzman ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ay makaraang lumabas sa isinagawang resulta ng DNA ng PNP na ang nakitang bangkay sa Gapan, Nueva Ecija ay hindi ang 14-anyos na si De Guzman alyas Kulot.

Ayon kay PNP Deputy Director General for Operations Fernando Mendez, base sa DNA result, hindi nag-match ang DNA ng bangkay na natagpuan sa Nueva Ecija sa DNA ng mga magulang ni alyas Kulot.

Sinabi ng PNP na 99.99% accurate ang DNA result.

Sa ngayon hindi pa alam ng PNP ang identification ng bangkay na pinaglalamayan ng magulang ni alyas Kulot sa Cainta.

Wala pa ring bagong lead sa kinaroroonan ni De Guzman.

Ayon sa PNP, bukas sila sa ibang ahensya na nais magsagawa ng sarili nilang DNA tests sa nasabing bangkay at sa pamilya ni alyas Kulot.

 

 

 

 

 

TAGS: dna test, PNP, Radyo Inquirer, Reynaldo de Guzman, dna test, PNP, Radyo Inquirer, Reynaldo de Guzman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.