Nagtungo na sa Senado si resigned Bureau of Customs (BOC) commissioner Nicanor Faeldon.
Dumeretso sa tanggapan ng Senate Sergeant-At-Arms si Faeldon sa halip na magtungo sa isinasagawang pagdinig kung saan siya ipinatawag.
Nanindigan si Faeldon na hindi siya dadalo sa pagdinig ng senate blue ribbon committee hinggil sa isyu ng korapsyon sa BOC.
Nauna nang sinabi ni Senator Richard Gordon na dadakipin ng senado si Faeldon kapag nanindigan itong huwag dumalo sa pagdining.
Na-cite for contempt na kasi siya ng komite bunsod ng patuloy na pag-isnab sa imbitasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.