Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Undersecretary Rosalina Bistoyong bilang officer-in-charge ng Department of Agrarian Reform o DAR.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa utos ni Duterte ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang appointment paper ni Bistoyong.
Si Bistoyong ang pansamantalang kapalit ni dating DAR Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano na tuluyan nang ni-reject ng Commission on Appointments.
Ayon sa Malakanyang, itinalaga si Bistoyong bilang DAR OIC upang matiyak ang epektibong paghahatid ng serbisyo-publiko ng ahensya.
Si Bistoyong ay dalawampu’t walong taon nang nagsisilbi sa gobyerno, at sa katunayan ay undersecretary siya ng DAR mula pa noong 2010.
Kilala ang opisyal na sumusuporta sa agrarian reform beneficiaries at indigenous peoples o IPs, bukod pa sa pagtulong sa mga dating landowners sa ilalim ng CARP.
Kabilang naman sa mga isusulong ni Bistoyong ay gawing climate-proof ang agrarian reform communities, sa gitna ng epekto ng climate change.