Lugar kung saan nasawi sa umano’y shootout si Carl Angelo Arnaiz, pinuntahan ng NBI
Binalikan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lugar kung saan naganap ang umano’y shootout nina Carl Angelo Arnaiz at mga pulis-Caloocan.
Hakbang ito ng NBI para maberepika kung totoo ba ang mga impormasyon na nakasaad sa police spot report.
Bukod dito, nagsagawa din ang NBI ng reenactment ng pagpapalitan ng putukan ng baril ng mga pulis at ni Carl Angelo.
Nabatid na posibleng nagtago sa likod ng isang poste ng kuryente ang mga pulis nang paputukan sila ng baril ni Arnaiz.
Pero ayon sa ulat, hindi natapos ang crime scene reconstruction ng NBI dahil hindi pa naisusumite ng Philippine National Police ang kanilang autopsy report sa katawan ni Arnaiz.
Magiging basehan ang autopsy report para madetermina kung saang direksyon galing ang bala ng baril na pinaputok ng mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.