Matapos masalanta ng Hurricane Irma, 90 Pinoy mula British Virgin islands, gustong magpa-repatriate
Inihayag ng Philippine Embassy sa United States na bukas sila 24/7 para sa repatriation ng mga Pinoy mula sa British Virgin Islands na sinalanta ng Hurricane Irma.
Ayon sa embahada, inaayos pa ng kanilang mga tauhan ang kaukulang mga papeles para makapasok sa British Virgin Islands at masimulan na ang repartriation ng mga Filipino.
Nabatid na aabot sa siyamnapung Pinoy ang nakatakdang i-repatriate mula sa apektadong bansa ng bagyong Irma.
Katuwang ang Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy sa Washington, D.C., USA, binibilisan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga Pinoy na nasa British Virgin Islands.
Binanggit din ng embahada na sa kasalukuyan, limitado lamang ang operasyon ng paliparan sa British Virgin Islands, at pansamantalang sinuspinde ang commercial flights.
Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa mga third country na maaaring magsilbing landing points ng mga irerepatriate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.