Dating Customs Commissioner Faeldon, isasailalim na sa Senate custody
Isasailalim sa Senate custody si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos mabigong dumating ng on-time sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ukol sa P6.4 billion shabu shipment.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng blue ribbon committee, ang kasunduan ay kung hindi haharap sa pagdinig si Faeldon ay aarestuhin ito at ilalagay sa kustodiya ng Senado.
Noong nakaraang linggo, na-cite for contempt si Faeldon, at noong Biyernes ay inilabas ang contempt with arrest order laban sa kanya.
Una nang sinabi ni Faeldon na magtutungo siya sa Senado pero hindi makikisali sa pagdinig.
Mas gugustuhin niya aniyang makulong sa halip na humarap sa pagtatanong ng mga senador na una na niyang sinabihan na “impartial”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.