News agencies ng gobyerno, sinasabotahe ayon kay Andanar

By Isa Avendaño-Umali September 11, 2017 - 09:35 AM

May nananabotahe umano sa government media entities, gaya sa Philippine News Agency o PNA.

Ito ang isiniwalat ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, kasunod ng panibagong “blunder” ng PNA.

Matatandaang noong nakalipas na linggo, kumalat sa social media ang iba’t ibang news items ng PNA, kung saan naisama sa headlines ang “notes” ng editor.

Ayon kay Andanar, mayroon daw na IP address na pilit na pinapasok ang lumang server at dashboard ng PNA.

Sa ngayon aniya ay mayroong isang IP address na iniimbestigahan, upang makumpirma kung sinasadya ang blunders ng PNA.

Paniwala ni Andanar, may gustong gumiba sa PNA, sa kanya at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahan din umano ang cyber-attack kagaya sa Radyo Pilipinas, ang government radio station.

Sa kabila ng mga batikos, sinabi ni Andanar na ginagawa nila ang lahat upang mapalakas ang government media agencies.

Apela na lamang nito, kung may naiinggit ay huwag daw idamay ang government news agencies, lalo’t hindi naman sila nakikipag-kumpitensya at ni-wala silang advertisements.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Martin Andanar, PNA, PNA blunder, Martin Andanar, PNA, PNA blunder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.