Ilang barangay sa QC 4 hanggang 6 na oras mawawalan ng suplay ng tubig

By Dona Dominguez, Mark Makalalad September 11, 2017 - 10:01 AM

Makararanas ng water service interruption ang ilang mga barangay sa Quezon City mula Lunes (Sept. 11) ng gabi hanggang Martes (Sept. 12) ng umaga.

Sa abiso ng Maynilad, magsisimula ang water interruption sa Barangay Kaligayahan alas 11:00 ng gabi at tatagal hanggang alas 3:00 ng madaling araw.

Ito ay dahil sa isasagawang maintenance activity ng Maynilad sa Parthenon Street malapit sa Olympus Street.

Simula alas 10:00 naman ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga ang water service interruption sa Barangay Talayan at bahagi ng mga Barangay Sto. Domingo at Siena.

Ayon sa Maynilad, may isasagawa silang maintenance activity sa N.S Amoranto kanto ng G. Araneta at G. Araneta Meterbanking.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-imbak na ng tubig.

 

 

 

 

TAGS: maynilad, quezon city, water service interruption, maynilad, quezon city, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.