MRT, dalawang beses nang nagpatupad ng provisional service
(UPDATE) Maagang nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong araw ng Lunes, September 11, 2017.
Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter, isang tren nila ang nakaranas ng technical problem alas 6:17 ng umaga.
Dahil dito, itinaas sa category 3 ang status ng biyahe ng tren at pinababa ang mga pasahero sa Quezon Avenue Station southbound.
Pinasakay na lamang sa kasunod na trena ng mga apektadong pasahero.
WATCH: Mga pasahero ng MRT sa Taft station, naperwisyo sa aberya I @dzIQ990 pic.twitter.com/3yTY2dtE8p
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) September 11, 2017
Pagsapit ng alas 6:43 ng umaga, itinaas ang category 4 status at kinailangang magpatupad ng provisional service.
Nilimitahan ang biyahe ng mga tren mula Shaw Boulevard station hanggang Taft Station lamang at pabalik.
Makalipas naman ang walong minuto, agad ding binawi ang pagpapatupad ng provisional service at naibalik sa normal ang serbisyo ng MRT.
Samantala, alas 8:51 ng umaga, muling nag-abiso ang MRT na limitado ang kanilang operasyon mula Shaw to Taft stations lamang at pabalik.
Ayon sa MRT, broken rail ang dahilan ng ikalawang beses na pagpapatupad ng provisional service.
Alas 9:39 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon.
Ang nasabing aberya ay nagresulta sa matinding abala sa mga pasahero.
Sa post sa Facebook ng netizen na si Marko Medrano Matibag, makikita ang maraming pasahero na nag-abang na lang ng masasakyan sa ilalim ng North Avenue station sa southbound.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.