Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa kanluran, timog kanluran naman ang iiral sa Luzon.
Samantala, nakakaapekto pa rin ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa ilang probinsya ng Visayas, Mindanao, at maging sa probinsya ng Palawan.
Banayad hanggang sa katamtamang lakas naman ang alon sa mga karagatan.
Aabot sa 33.2 degree Celsius ang pinakamainit na temperatura ngayong araw, bandang 1:50pm.
Patuloy namang binabantayan ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas parin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Namataan ang low pressure area, may layong 1,860 kilometro mula sa silangan ng extreme northern Luzon.
Wala pang direktang epekto ang LPA sa kapuluan.