Duterte, handang wasakin si Trillanes

 

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na wasakin si Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon sa pangulo, dahil tila determinado si Trillanes na sirain siya, uunahan na niya ito dahil kung hindi ay siya ang dudurugin nito.

“He’s bent on destroying me, so I destroy him or he will destroy me. Ganun lang ‘yan,” ani Duterte.

Una nang inakusahan ni Pangulong Duterte si Trillanes n pagkakaroon ng maraming offshore bank accounts.

Ayon pa sa presidente, sa susunod na ilang araw ay ibubunyag niya ang mga deposito na natanggap ni Trillanes mula sa mga Chinese bank accounts nito sa iba’t ibang bansa.

Samantala, mariin naman itong itinanggi ni Trillanes, at tinawag ang nasabing akusasyon na isang “fake news.”

Hamon pa ng senador, pipirma siya ng bank secrecy waiver sa Anti-Money Laundering Council para mapatunayang hindi totoo ang sinasabi ng pangulo.

Read more...