DND, humiling ng dagdag-P1B pondo para sa Marawi City crisis

Humihiling ang Department of National Defense ng karagdagang pondo na hindi bababa sa isang bilyong piso para magsilbing contingency fund ng pwersa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, dapat matiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng mga armas, bala at iba pa para mapanatili ang mga pangangailangan at lakas ng hukbo.

Pag-aanim pa ng opisyal, karamihan sa naunang higit 3 bilyong pisong pondo sa 3 buwang pakikipag-bakbakan sa Maute terror group ay napupunta sa pangangailangan ng mga sundalo.

Samantala, sinabi rin ni Padilla na patuloy ang pagmomonitor ng tropa ng militar sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kasama na ang West Philippine Sea.

Read more...