Faeldon, posibleng sa NBP o Pasay City Jail ikulong kung magmamatigas
Posibleng idetine sa New Bilibid Prison o sa Pasay City Jail ang nagbitiw na Custmos commissioner na si Nicanor Faeldon.
Ayon kay Senador Ping Lacson, isa sa mga piitang ito ikukulong si Faeldon kung patuloy na magmamatigas itong hindi dumalo sa pagdinig sa Senado kaugnay sa 6.4 billion-peso shabu shipment na nakalusot sa Bureau if Customs.
Una nang ipinahayag ni Faeldon na handa siyang sumuko sa Senate Sergeant-at-arms sa Lunes at nanindigang hindi dadalo sa mga pagdinig ng Senado at Kamara ukol sa usapin.
Na-cite for contempt ang dating opisyal matapos mabigong pumunta sa pagdinig sa kabila ng subpoena ng blue ribbon commitee.
Ipinag-utos ng komite ang pag-aresto kay Faeldon oras na hindi ito uli dumalo sa Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.