Hurricane Irma, ibinaba sa Category 3; nagsimula nang manalasa sa Florida
Sinimulan nang bayuhin ng buntot ng Hurricane Irma ang Florida Sabado ng gabi.
Bagamat ibinaba ang status ng bagyo sa Category 3, inaasahan pa ring magdadala ito ng malalakas na hangin, malaking amount ng tubig at posibleng nakamamatay na storm surge.
Sa kasalukuyan, taglay ni Irma ang maximum sustained winds na aabot sa 125 miles per hour.
Bagamat humina, inaasahang lalakas ito ngayong umaga ng Linggo bago tumama ang mata nito sa Florida Keys.
Ayon kay Florida Governor Rick Scott, ito ang kauna-unahang beses na nakakita at makararanas sila ng ganito kalakas na bagyo.
Tinatayang nasa 20 inches ng ulan ang ibubuhos ni Irma sa Florida Peninsula at Timog-Silangan ng Georgia hanggang Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.