FEU “undefeated” pa rin sa PVL Collegiate Conference

By Rhommel Balasbas September 10, 2017 - 03:46 AM

Photo: INQUIRER.net

Nanatiling walang talo ang Far Eastern University sa Premier Volleyball League Collegiate Conference matapos talunin ang Ateneo Lady Eagles sa laban kagabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nagpaulan ang Lady Tamaraw ng 48 points off attacks, six kill blocks at 10 aces.

Ayon kay FEU Coach George Pascua, nais sana ng team na madaliin ang laban ngunit pinayuhan niya ang mga ito na daanin sa bilis huwag sumabay sa tempo ng lady eagles.

Nakatulong din ayon kay Pascua ang absence ng Ateneo captain na si Bea De Leon upang maipanalo ang laban.

Nangunguna na sa standing ng Group A ang FEU sa iskor na 2-0 samantalang bumaba naman ang Lady Eagles sa iskor na 2-1.

Pinangunahan ni Bernadeth Pons ang Lady Tamaraws matapos magtala ng 16 points habang nakatulong din sina Toni Rose Basas at Jeanette Villareal na may 15 at 13 points.

TAGS: ADMU, FEU, Lady Eagles, Lady Tamaraws, Premier Volleyball League Collegiate Conference, ADMU, FEU, Lady Eagles, Lady Tamaraws, Premier Volleyball League Collegiate Conference

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.