Kylie Padilla, proud bilang isang breastfeeding mom

Proud na ibinahagi ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram post na isa siyang breastfeeding mom.

Bagamat may mga pagkakataong nahihirapan sa pagbibigay ng gatas sa anak, sinabi ng aktres na naeenjoy nilang mag-ina ito.

Anya, nais niyang maibigay kung ano ang pinakamakabubuti kay Baby Alas at ang breastfeeding naman ay isang uri na rin ng bonding nilang mag-ina.

Pinuri naman ng netizens ang IG post ng aktres na umabot na sa mahigit 43,000 ang likes.

Isinilang ni Kylie si Baby Alas noong nakaraang buwan sa pamamagitan ng medicated vaginal birth.

Read more...