Duterte kay Trillanes: Ipa-decode mo ang rosas na tattoo ko

By Den Macaranas September 09, 2017 - 08:51 PM

Video grab PCOO

Ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang kanyang tattoo na rosas sa kanyang kanang braso.

Sa taas ng nasabing rosas na totoo ay isa pang tatoo na nagpapatunay naman na siya’y miyembro ng Guardian Philippines.

Ipinaliwanag ng pangulo na noong araw ay sumapi siya sa grupo ni dating Army Colonel at ngayon ay Sen. Gringo Honasan.

Kung ang tattoo ayon sa pangulo ang magiging batayan ni Sen. Antonio Trillanes para sabihing miyembro ng Triad ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay parang hindi ito nag-iisip.

Hinamon rin ng pangulo si Trillanes na ipa-decode ang kanyang tattoona rosas para malaman kung kaanib ba siya sa isang sindikato.

Pinayuhan rin ni Duterte si Trillanes na ipa-decode na rin ang mga tattoo ni Sen. Gringo Honasan dahil baka ito daw ay kasapi rin sa isang malaking grupo ng mga gumagawa ng iligal sa bansa.

TAGS: duterte, Honasan, tattoo, triad, trillanes, duterte, Honasan, tattoo, triad, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.