Malacañang: Pagpatay sa ilang kabataan gawa ng narcopoliticians at drug lords

By Den Macaranas September 09, 2017 - 04:57 PM

Photo: Radyo Inquirer

Ilang mga narcopoliticians at drug lords ang sinasabing nasa likod ng tangkang pagdiskaril sa war on drugs ng Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sila rin ang nasa likod ng mga serye ng pagpatay sa ilang mga kabataan na ginagawa ang lahat para ibintang sa administrasyon ang mga kaso ng extrajudicial killings.

Malinaw ayon sa opisyal na may mga grupo na nakalatag na ang plano mula sa pagpatay hanggang sa paglikha ng scenario na ang mga naganap na krimen ay kagagawan mismo ng mga tauhan ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati sa Digos City kahapon ay personal na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ni PNP Chief Ronald dela Rosa ang ilang serye ng pagpatay sa mga kabataan na ibinibintang naman ng ilang grupo sa pamahalaan.

Ayon sa pangulo, hindi siya magdadalawang-isip na parusahan ang ilang mga tauhan ng pamahalaan kapag sila’y napatunayang nakikikipagsabwatan sa mga grupong gustong wasakin ang war on drugs ng administrasyon.

TAGS: abella, drug lords, duterte, narcopoliticians, War on drugs, abella, drug lords, duterte, narcopoliticians, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.