100th Bday ni Marcos sasabayan ng mga kilos-protesta sa LNMB

Inquirer photo

Nagbanta ng malawakang kilos protesta ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Lunes, September 11.

Itatapat ang naturang protesta sa ika-100 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa grupo, ang gagawing aksyon ay para kundinahin ang political rehabilitation na ginagawa ngayon ng Duterte administration sa dating diktador.

Makaraan daw kasing ipagkaloob ang hero’s burial dito noong nakaraang taon ay idineklara rin ng Malakanyang na special holiday sa Ilocos Norte ang kaarawan ng dating pangulo.

Giit pa ng Bayan, dahil sa presidential proclamation ni Duterte nagkakroon ng whitewash sa mga kasalanan ni Marcos partikular na ang pagnanakaw ng yaman at pang aabuso sa karapatang pantao.

Tutol din sila na pagkalooban ng immunity ang Marcoses bago isauli ang kanilang ill-gotten wealth.

Paniwala nila kung hindi magbabago ang trato n Duterte sa Marcoses ay baka magising na lamang tayo ng isang araw na nakabalik na ulit sa Malakanyang ang mga Marcos.

Gagawin ang kilos protesta ng Bayan sa Libingan ng mga Bayani.

Read more...