Reklamo ng isang ginang sa bentahan ng droga sa kanilang lugar idinaan sa social media

By Den Macaranas September 09, 2017 - 02:55 PM

FB post

Trending ngayon sa social media ang panawagan ng isang ginang kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umano’y talamak na bentahan ng droga sa kanilang lugar sa Subic, Zambales.

Ayon sa ginang na itinago sa pangalang Alma, kahit mga miyembro ng pulisya at mga barangay officials sa kanilang lugar ay walang ginagawang aksyon sa kanyang reklamo.

Humingi rin siya ng tulong sa pangulo na tulungan siya para sa rehabilitation ng kanyang anak na nalulong sa droga at nabiktima pa ng panggagahasa.

 

Watch: https://www.facebook.com/100010711300473/videos/482026288831077/

TAGS: drugs, duterte, PNP, subic zambales, drugs, duterte, PNP, subic zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.