Tulay sa Adriatico street sa Maynila bumigay

Courtesy of Chirsopher Jay (@cjaysuratos)

Maaaring tumagal ng dalawang buwan bago makumpuni ang nasirang tulay sa Adriatico St. Malate, Maynila.

Bumigay ang bahagi ng tulay sa Estero de Abad makaraang umatras ang isang truck na naghahakot ng basura sa isang condominium building.

Ayon kay Kagawad Lydia Payos ng Brgy. 720, Zone 78, posibleng naging marupok na ang tulay sa tagal ng panahon at tuluyang nasira dahil sa pagdaan ng mabibigat na sasakyan.

Sa pagtaya ng Department of Public Works and Highway, maaaring abutin ng Disyembre bago tuluyang maayos ang nasirang bahagi ng tulay.

Pagbabawalan na ring dumaan ang malalaking truck at mabibigat na sasakyan para hindi na tuluyang bumigay ang nasabing tulay.

Read more...