11 katao huli sa paggamit ng droga sa Tondo, Maynila

By Jimmy Tamayo September 09, 2017 - 01:16 PM

Inquirer photo

Arestado ang nasa labingisa katao nang salakayin ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang hotel sa Tondo, Maynila, Biyernes ng gabi.

Sinabi ni acting MPD Station 1 Commander Supt. Jerry Corpuz na isinagawa ang pagsalakay kasunod ng sumbong sa paggamit at pagtutulak ng droga na nagaganap sa nasabing hotel sa kanto ng Juan Luna at Lecheros Street.

Kabilang sa naaresto ang isang desi-sais anyos na binatilyo na nahuli sa aktong humihitit ng marijuana at siyang nag-turo sa kinaroroonan ng iba pang mga gumagamit ng iligal na droga.

Sa tulong ng hotel management, napasok ng mga pulis ang isang kuwarto kung saan nahuli sa aktong gumagamit ng bawal na gamot ang ilang mga kalalakihan at kababaihan.

Nakuha din sa kwarto ang anim na bloke ng pinatuyong marijuana na tinatayang nasa anim na kilo ang timbang.

Inaresto naman ang anim na iba pa na naka-check in sa hiwalay na kuwarto bagaman itinatanggi ng mga ito na gumagamit sila ng droga.

TAGS: Marijuana, MPD, PNP, Tondo, Marijuana, MPD, PNP, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.