DOLE naghahanda na sa pagpapa-uwi ng mga OFWs mula sa South Korea

By Jimmy Tamayo September 09, 2017 - 11:30 AM

Radyo Inquirer photo

Naghahanda na ang Department of Labor and Employment sa posibleng repatriation ng mga Filipino workers mula sa South Korea.

Ito’y sa gitna na rin ng umiinit na tensyon sa Korean Peninsula.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bagaman hindi pa naman nakababahala ang tensyon doon, naka-kasa naman aniya ang kanilang contingency plans.

Sa ngayon, nasa Level 1 pa lamang ang sitwasyon sa South Korea at remote o malayo naman na matuloy ang kaguluhan ayon sa DOLE.

Namuo ang tensyon sa nasabing bansa kasunod ng nuclear testing ng North Korea na tinugon naman ng batikos ng maraming bansa sa pangunguna ng Estados Unidos.

TAGS: Bello, DOLE, north korea, OFWs, south korea, Bello, DOLE, north korea, OFWs, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.