4,500 political leaders ng Aklan lumipat na sa PDP

By Den Macaranas September 09, 2017 - 10:15 AM

Inquirer file photo

Sabay-sabay na nagtalunan papunta sa Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP) ang 4,500 mga political leaders sa lalawigan ng Aklan.

Pinangunahan ni House Speaker at PDP Secretary-General Pantaleon Alvarez ang pagpapanumpa sa nasabing mga bagong kasapi ng kanilang partido.

Ginanap ang mass oath taking mga bagong PDP members sa ABL Sports Complex sabayan ng Kalibo.

Kabilang sa mga bagong PDP recruits ay labinglimang mga incumbent mayors, mga provincial board members, vice mayors, mga konsehal at ilang mga barangay officials.

Sa kanyang pahayag ay sinabi ni Alvarez na marami pang mga political leaders mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nakatakdang lumipat sa kanilang partido.

Bahagi rin ng pagpapalakas ng PDP ang pagsusulong federalism na nauna nang ikinasa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: aklan, Alvarez, duterte, federalism, PDP, aklan, Alvarez, duterte, federalism, PDP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.