Maraming mga bahay ang winasak ng Hurricane Irma sa kanyang pagtahak sa Northern Coast ng Cuba at lalo pa itong lumalakas habang papalapit sa Florida ayon sa ulat ng National Hurricane Center (NHC).
Ang Category 5 na si Hurricane Irma ay nag-iwan rin ng malaking pinsala at hindi pa batid na dami ng patay sa pagdaan nito sa Carribean at sa kasalukuyan ay tumatahak palapit sa Southern Florida.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 155 mph dahilan para maagang suspendihin ang ilang mga flights partikular na sa Miami.
Nakaalerto na rin ang mga tauhan ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyo.
Kanina ay nagpatupad na rin ng mandatory evacuation para sa mga residente sa ilang mabababang lugar na kinabibilangan ng Brevard, Broward, Collier, Indian River, Martin, Miami-Dade, Monroe, Palm Beach at Saint John.