Ilang kalsada, isasara para sa “Delegate Meeting” ng INC
Nag-abiso ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa ilang motorista na humanap ng alternate routes.
Ito ay dahil sa isasagawang “Delegate Meeting” ng Iglesia ni Cristo sa lokal ng Balintawak mula alas – 4:00 ngayong umaga hanggang mamayang alas – 11:00.
Dahil dito, isasara ang kahabaan ng A. Bonifacio sa pagitan ng Marvex Drive at Selecta Street ng EDSA-Balintawak Southbound.
Samantala, ilang pangunahing mga kalsada rin ang isasara dahil sa isasagawang weekend road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang mga sumusunod:
Sa Quezon City at Caloocan:
– 2nd lane ng Southbound ng A. Bonifacio Avenue, mula Dome Street hanggang Sgt. Rivera
– 2nd lane ng Southbound ng Mindanao Avenue mula Tandang Sora sa harap ng Shell gas station
– 3rd lane ng Southbound ng EDSA mula Kainigin Road hanggang Dario bridge
– Trunk lane ng Southbound ng E. Rodriguez Jr. Avenue, paglagpas ng Greenmeadows Avenue at paglagpas ng Boni Serrano Flyover
– 2nd lane Northbound ng C.P. Garcia Avenue mula University Avenue hanggang Maginhawa Street
– Northbound ng Luna Road mula East Avenue hanggang Kalayaan Avenue
– Northbound ng Quirino Highway corner La Mesa Dam Road
Sa Pasig:
– Southbound ng C-5 Road malapit sa Julia Vargas
– Northbound ng Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas
Nagsimula na ang road repairs alas-11:00 kagabi at inaasahang magiging fully passable sa Lunes ganap ika-5:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.