Walang Pinoy na nasaktan sa lindol sa Mexico – DFA

Walang Pilipinong nasaktan sa pagtama ng magnitude 8.1 na lindol sa Mexico na ikinasawi ng hindi bababa sa 32 katao.

Sa inilabas na pahayag ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, ibinalita aniya ng Philippine Embassy sa Mexico na wala pa silang natatanggap na anumang
ulat na mayroong Pilipinong nasaktan o nasawi sa lindol.

Nagpapasalamat rin si Cayetano dahil ligtas ang kalagayan ni Ambassador Eduardo de Vega, matapos malagay sa alanganing sitwasyon sa Oaxaca.

Nakahanda naman ang DFA na tulungan ang mga Pilipinong nasalanta ng lindol, habang patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga Filipino community para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Mayroong mahigit 600 na mga Pilipinong naninirahan ngayon sa Mexico, ayon sa datos na hawak ng DFA.

Read more...