Consultants ng NDFP na hindi pa sumusuko, minomonotor na ng AFP

By Chona Yu September 09, 2017 - 03:37 AM

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tutugisin nila ang 21 consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na hindi pa sumusuko sa awtoridad.

Ito ay matapos kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok na usaping pangkapayapaan sa rebeldeng grupo at bawiin ang ipinagkaloob na pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na hinihintay na lamang nila ang court order para arestuhin na ang mga consultant ng NDFP.

Sakali man aniyang magpasya ang mga consultant na magtago sa batas, tiniyak ni Arevalo na nakahanda ang militar na hanapin ang mga ito gaya ng unang pagkakataon na naaresto ang mga kalaban ng estado.

Sa ngayon sinabi ni Arevalo na minomonitor na ng kanilang hanay ang galaw ng mga consultant para kapag may lumabas na court order ay madali nang madadampot ang mga ito.

Buwan ng Agosto nang ipakansela ng Pangulong Duterte ang ikalimang round ng peace talks sa NDFP sa Norway dahil na rin sa utos sa Communist Party of the Philippines na paigtingin pa ang opensiba laban sa pamahalaan.

Kabilang sa mga consultants na binigyan ng pansamantalang kalayaan ang mag asawang Benito at Wilma Tiamzon, Tirso Alcantara, Ma. Concepcion Bocala, Pedro Codaste, Renante Gamara, Alan Jazmines, Ernesto Lorenzo, Ma. Loida Magpatoc, Alfredo Mapano at iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.