Isa pang Hurricane sa Atlantic Ocean, nagbabadya; itinaas na sa Category 4

Hindi pa man nakakabangon sa pananalasa ng Hurricane Irma, nanganganib naman na maantala ang ilang relief operations dahil sa panganib na dala ni Hurricane Jose.

Ang Hurricane Jose na isa nang ganap na “Category 4 storm” ay isang bagyo na kasalukuyang nasa karagatan ng Atlanta.

Kasalukuyan itong nasa silangan ng Leeward Islands na bahagi ng Carribean na binayo na ni Irma.

Sa kasalukuyan, inaasahang lalakbayin ni Jose ang halos kaparehong track na dinaanan ni Irma at mananalanta sa ilang isla.

Gayunpaman, inaasahan ang fluctuations sa intensity nito kaya’t mas magiging mahina ito kumpara kay Irma.

Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan na nagkaroon ng dalawang bagyo sa Atlantic Ocean na nagtataglay ng maximum sustained winds na aabot sa 150 miles per hour ayon kay Colorado State University Meteorologist Philip Klotzbach.

Read more...