Bilang ng patay sa magnitude 8.1 na lindol sa Mexico, tumaas pa

By Kabie Aenlle September 09, 2017 - 03:35 AM

VICTORIA RAZO/AFP/Getty Images

Pumalo na sa 32 katao ang bilang ng mga nasawi matapos yanigin ng pinakamalakas na lindol sa southern coast sa loob ng isang siglo ang bansang Mexico.

Ayon kay President Enrique Peña Nieto, naramdaman ng nasa 50 milyong katao sa buong bansa ang magnitude 8.1 na lindol na pinakamalakas na naranasan ng bansa sa loob ng 100 taon.

Noong September 1985, isang malakas na lindol din ang yumanig sa Mexico City at sa mga lugar sa paligid nito na ikinasawi ng 9,500 katao.

Kumpirmado rin na nagkaroon ng tsunami sa Mexico, kung saan ang isang alon ay umabot sa tatlong talampakan ang taas.

Ipinakalat naman na ang mga sundalo at pulis ng Mexico para rumesponde sa mga biktima, at sinabi ni Peña Nieto na activated na rin ang civil protection protocols, kabilang na ang National Emergency Committee.

Tinatayang nasa 1.85 milyong kabahayan ang nawalan ng kuryente, pero bumalik na ang serbisyo sa 74 percent sa kanila.

Samantala, kung sa southern coast ng Mexico naramdaman ang matinding lindol, sinalanta naman ng malalakas na ulan ng Hurricane Katia ang east coast nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.