Dump truck at pickup, nahulog sa ilog sa San Miguel, Bulacan

By Kabie Aenlle September 09, 2017 - 03:32 AM

Photo from San Miguel, Bulacan MDRRMO

Isang pickup at isang dump truck ang nahulog sa ilog matapos bumigay ang tulay na dinadaanan nito sa Barangay Bardias, San Miguel, Bulacan.

Ang nasabing tulay ang nagdurugtong sa Barangay Bardias at Barangay Lambakin sa naturang bayan.

Agad rumesponde ang San Miguel, Bulacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ang Engineering Department sa insidente, kung saan dinatnan na nila sa ilog ang nasabing dump truck at Nissan pickup.

Ayon sa mga nakasaksi ng pangyayari, binabagtas ng dump truck ang nasabing tulay at pagsapit niya sa bandang gitna nito ay doon na bumagsak ang tulay.

Loaded anila masyado ang dump truck, at ayon pa sa mga residente malapit doon, maraming malalaking truck ang dumadaan doon kahit pa mayroon nang babala na hanggang 25 tons lang ang kaya ng tulay.

Sa kabutihang palad ay kinumpirma ng MDRRMO na wala namang lubhang nasaktan sa insidente.

Gayunman, hindi na nila naabutan ang mga driver ng nasabing sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.