DOLE, naghahanda na sa posibleng pagpapauwi sa mga OFWs mula South Korea

By Rhommel Balasbas September 09, 2017 - 03:26 AM

Nababahala na ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa mas tumitinding tensyon sa Korean Peninsula.

Dahil dito, mahigpit nang binabantayan ng Deparment of Labor and Employment ang sitwasyon ng mahigit 80,000 OFWs partikular sa South Korea.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, handa ang pamahalaan sakaling pauwiin ang mga Pinoy at nakahanda ang reintegration program ng kagawaran.

Anya, ang reintegration program ay isang programa kung saan hinihimok ang mga dating OFW na sumubok sa ibang kabuhayan.

Samantala, nakalatag na rin ang contingency plan ng Philippine Embassy sa SoKor para sa mga safe centers na pwedeng puntahan ng mga Pilipino sakaling iutos ang paglikas.

Ang mga paghahandang ito ay bunsod ng huling nuclear test ng North Korea na isang banta sa seguridad ng South Korea kung saan marami ring Pinoy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.