Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sumiklab ang gulo sa Marawi City, nakapagdasal nang muli ang mga Muslim sa mosque sa loob ng Islamic Center ng lungsod.
Pinangunahan ni Marawi City police director Supt. Ebra Moxir ang congregational prayer, araw ng Biyernes.
Hindi bababa sa 42 Muslim na pulis at sundalo ang sumama sa pagdarasal sa nasabing mosque.
Ayon kay Joint Task Group PNP commander Senior Supt. Rolando Anduyan, ito ang mosque na nabawi ng militar mula sa teroristang Maute Group noong August 24.
Ang mosque sa Islamic Center ang ikalawang major mosque na nabawi ng pwersa ng gobyerno mula sa mga terorista, bukod sa Saad al Musairi mosque.
MOST READ
LATEST STORIES