Na-rescue ng Quezon City Social Services Development Department katuwang ang mga Barangay ng South Triangle at Pinayahan ang ang mga batang nagpapalaboy-laboy sa kalsada.
Ayon kay Kagawad Luisa Esther Palma, ay kanila nang nai-iturn over ang mga batang residente ng lungsod sa mga kalapit na barangay, habang ang mga batang hindi taga-ibang lungsod ay dinala sa QCPD Station 10 para dumaan sa proseso ng DSWD at ng QCSSDD.
Aniya mas lalong dumarami ang mga batang palaboy lalo’t papalapit na ang Kapaskuhan.
Kaugnay nito, pinangunahan naman ni QCSSDD Israel Batiquin ang pag- interview sa mga bata at mga magulang na kasama nito.
Kapag walang kasamang magulang at hindi residente ng Quezon City ay dadalhin ang mga menor de edad sa mga center habang ang mga residente ng lungsod ay dadalhin sa Rehabilitation and Action Center for minors.
Pagkatapos ng interview ay isasailalim ang mga ito sa medical examination na siyang requirement ng mga center.
Kapag may kasama namang magulang ang mga menor de edad ay agad naman itong mairi-release pagkatapos ng interview.
Pumipirma ang mga ito sa kasunduan na hindi na muling babalik sa kalye at hahayaan ang kanilang anak na lumaboy sa kalsada dahil mahigpit itong ipinagbabawal.
Sunod dito ay aalamin kung ano ang maaring maitulong ng gobyerno tulad ng capital assistance at kapag nag-qualify ay sasailalim ito sa proseso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.