Banta ng tsunami pinawi na ng Phivolcs matapos ang malakas na lindol sa Mexico

By Isa Avendaño-Umali, Rod Lagusad September 08, 2017 - 05:24 PM

Tinanggal na Phivolcs ang nauna nitong advisory matapos ang tumamang lindol sa Mexico.

Kaugnay ito ng magnitude 8.2 na lindol na tumama sa baybayin ng Chiapas, Mexico.

Walang nakikitang posibilidad ang Phivolcs na may tatamang tsunami sa Eastern seaboard ng Pilipinas bunsod ng pagyanig.

Ayon kay Phivolcs Seismology Division OIC Ishmael Narag, hindi maapektuhan ang bansa dahil wala pang isang metro ang taas ng alon na nalikha nito.

Una rito ay inalerto ng Phivolcs ang mga residente sa coastal areas sa seaboard ng bansa na nakaharap sa Pacific Ocean.

Maging ang Malakanyang ay nanawagan sa publiko, lalo na sa mga residenteng nakatira sa coastal communities, na maging alerto.

Sa statement, umapela pa si Presidential Spokesman Ernesto Abella sa mga mamamayan na kumuha ng updates at advisory mula sa gobyerno, sa pamamagitan ng mga website.

Sa ngayon, ani Abella, batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ay walang evacuation order at wala ring dapat ika-alarma.

 

 

 

 

 

TAGS: Ernesto Abella, Mexico, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Ernesto Abella, Mexico, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.