Mga mambabatas imbitado sa ika-100 kaarawan ni dating Pangulong Marcos

September 08, 2017 - 04:01 PM

Ilang mga kongresista ang nakatanggap ng imbitasyon mula sa pamilya Marcos para sa ika-100 taong kaarawaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Galing ang imbitasyon kay dating unang ginang at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Base sa imbitasyon na ibinahagi ni Akbayan Rep. Tom Villarin sa media, nakasaad na isasagawa ang pagdiriwang sa Libingan ng mga Bayani sa araw ng Lunes, ganap na alas 9:30 ng umaga.

Magkakaroon ng misa na susundan ng isang programa at pananghalian.

Maliban kay Villarin, nakatanggap din ng imbitasyon si Albay Rep. Edcel Lagman.

Si House Speaker Pantaleon Alvarez ay hindi naman nakatanggap ng paanyaya.

Ang Sept. 11, araw ng Lunes ay idineklarang holiday ni Pangulong Duterte sa Ilocos Norte kaugnay sa kaarawan ng dating Pangulo.

TAGS: 100TH Birthday Ex President Marcos, Kamara, Kongresista, Pangulong Duterte, 100TH Birthday Ex President Marcos, Kamara, Kongresista, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.