National ID system, lusot na sa 3rd reading sa Kamara

By Erwiin Aguilon September 08, 2017 - 03:36 PM

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang National ID system na magbibigay ng isang official identification sa lahat ng mga mamamayan.

Sa botong 142 yes at 7 no mula sa Makabayan Bloc, naipasa ang HB 6221 o ang Filipino Identification System.

Nakasaad sa panukala na lahat ng mga Filipino na nasa wastong edad o 18 pataas, nakatira sa Pilipinas o sa ibang bansa ay kailangang magparehisto ng personal data.

Matapos ito, ang aplikante ay bibigyan ng non-transferable Fil-ID o Filipino ID Card na mayroong Common Reference Number o CRN na walang expiration date.

Ang CRN ay permanent identification number na kailangang itala sa CRN registry sa kaiba sa lahat.

Magagamit ang nasabing ID sa lahat ng transaksyon sa anumang ahensya ng gobyerno.

Ayon sa mga may- akda ng National ID System, mapapabilis nito ang pagbibigay ng basic social services.

Pero para sa Makabayan bloc, lalabagin nito ang right to privacy ng mga indibidwal lalo na ang mga kumokontra sa pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.